Posts Tagged ‘may 17’

Take up the IDAHO Challenge! Help fight homophobia and transphobia

Sunday, May 3rd, 2009
IDAHO May 17 - Take up the IDAHO Challenge!

IDAHO May 17 - Take up the IDAHO Challenge!

Dear friends / Mga mahal na kaibigan,

The Idaho Challenge is a community project by Gays.com to produce a user-generated video to be released 17 May 2009, the International Day Against Homophobia and Transphobia (IDAHO). While 67 countries have signed the new United Nations statement to decriminalise homosexuality worldwide, anti-gay discrimination remains a reality in many parts of the world. This year, with your help, we want to create a video that sends out the message that gays, lesbians, bisexuals and transgendered people are just like everyone else. We come from all over the world and we come in all shapes and sizes and colours. And we want to send this message to the people of the world in every language that’s out there!

Ang hamon ng Idaho ay isang proyektong pang-komunidad ng Gay.com na naglalayong makapaglabas ng isang user-generated video na ipapalabas sa ika-17 ng Mayo taong 2009, sa Pandaigdigang Araw laban sa Homophobia at Transphobia (IDAHO). Habang may 67 bansa na ang pumirma sa panibagong pahayag ng United Nations ukol sa di-pagiging krimen ng sekswalidad sa kapwa kasarian, ang paninino at diskriminasyon sa mga bakla/tomboy/silahis/transgender ay patuloy na isang katotohan sa maraming bahagi ng mundo. Ngayong taon, sa inyong tulong, nais nating makalikha ng isang video na nagpapahayag ng mensahe na ang mga lesbyana, gay, bakla, bayot, bisexual, silahis at trangender ay mga tao rin tulad ng iba. Nagmumula tayo sa lahat ng sulok ng mundo at iba’t iba tayo ng anyo, hugis at kulay. At nais nating ipadala ang mensaheng ito sa lahat ng tao sa mundo sa lahat ng wika, dayalekto o lenggwaheng meron.

Take up the IDAHO Challenge – Help fight homophobia and transphobia

Paano ang pagsali?

1. Humarap sa isang video camera, ngumiti ang sabihin:

“Hi, ako si… Ako ay taga-…
At ipinagmamalaki ko ang pagiging
lesbyana / gay / bakla / bayot / bisexual / silahis / tomboy / trangender !”

2. I-upload ang iyong video o i-email ito sa idaho@gays.com

3. Ipaalam sa iba at himukin ang inyong mga kaibigan sa sumali!

Ilang mga tip para sa paggawa ng isang magandang video

• Para sa pinakamagandang resulta, kumuha ng video sa labas kung saan may araw.
• Pumunta sa inyong lokal o pambansang monumento.
• Laging maging alerto kung ano ang nasa inyong likuran.
• Iwagayway ang inyong pambansang watawat (o isang watawat na bahaghari!).
• Isuot ang inyong pambansang kasuotan.
• Kumuha ng video kasama ang iyong katuwang, pamilya o mga kaibigan.
• Ihayag ang iyong mensahe sa sariling wika o dayalekto.
• Kung ikaw ay may kapansanan sa pagsasalita o sa pandinig, gumamit ng sign language.
• Kung kukuha ng video sa loob, tiyakin na meron kayong sapat na ilaw.