Posts Tagged ‘LGBTI’

Ang pagbabago ng mga batas kaugnay ng ‘pagiging krimen ng sekswal na pakikipagrelasyon sa kapwa-kasarian’ ay hindi isang “halimbawa ng demokrasya” / Decriminalisation of Homosexuality is not “some kind of democracy”

Sunday, September 27th, 2009

ANG BAGONG PANGULO NG UN ASSEMBLY PRESIDENT AT (ANG PAHAYAG NITO UKOL SA) MGA KARAPATAN NG MGA LGBT
Ang pagbabago ng mga batas kaugnay ng ‘pagiging krimen ng sekswal na pakikipagrelasyon sa kapwa-kasarian’ ay hindi isang “halimbawa ng demokrasya”
26/09/2009

mula sa http://www.ilga.org

Ang ILGA ay matinding nababahala at nagagalit sa pagkukulang ng bagong Pangulo ng UN Assembly na si Ali Abdussalam Treki na isaalang-alang ang pagsasanggalang sa buhay at kaligtasan ng mga tomboy, bakla, trans, intersex at bisexual na tao sa buong mundo bilang isang bagay na kaugnay ng karapatang pantao.

Mr. Ali Treki (left) and UN Secretary-General Mr. Ban Ki-Moon (right)

Mr. Ali Treki (left) and UN Secretary-General Mr. Ban Ki-Moon (right)

Sa isang panayam bago ang kanyang unang talumpati sa UN Assembly sa bago nitong papel bilang Pangulo, idineklara ni Ginoong Treki ang sarili na “talagang hindi pabor” patungkol sa Pahayag na pabor sa ‘pagbabago ng batas na krimen ang sekswal na makipag-relasyon sa kapwa-kasarian’ (decriminalisation of homosexuality) na nilagdaan ng 66 na mga bansa at binasa ng kinatawan ng Argentina noong nakaraang Disyembre sa General Assembly sa New York.

Dagdag pa rito, sinabi ni Ginoong Treki na ang paksang tinutukoy sa nasabing Pahayag, halimbawa na nag pagbabago ng batas kaugnay ng pagiging krimen ng pakikipag-relasyon sa kapwa-kasarian ay “hindi katanggap-tanggap sa maraming bansa sa mundo” at “may iilang mga bansa ang pinahihintulutan ito sa paniniwalang ito ay isang halimbawa ng demokrasya”.

Habang isinasaalang-alang ng Pahayag ang panawagan para sa pandaigdigang pagbabago ng batas kaugnay ng pakikipag-relasyon sa kapwa-kasarian, hindi maiiwasang maipagpalagay ng sinuman na ang bagong Pangulo ay… pabor na gawing mga criminal ang mga taong tomboy at bakla, bisexual, trans at mga intersex. Ang nakababalisa at malubhang kasasapitan ng ganitong pag-uugali, mula sa bagong ulo ng isang institusyon na dapat sana’y nagpapahalaga sa mga karapatan ng tao—ng lahat ng mga karapatan—bilang isang pinakabanal na pinahahalagahan, ay hindi maaaring muli’t muling banggitin.

Nanawagan kami sa mga kinatawan ng mga Estadong lumagda sa Pahayag laban sa pagiging krimen ng sekswal na pakikipagrelasyon sa kapwa-kasarian, pati na rin sa mga bumoto para ihalal si Ginoong Treki sa bago nitong posisyon, na manghingi ng isang paliwanag mula sa Pangulo ng UN Assembly hinggil sa kanyang mga pahayag at magbigay ng tugon rito.

Gloria Careaga & Renato Sabbadini
Co-Secretaries General, ILGA

Para sa karagdagang impormasyon kontakin si: Renato Sabbadini
+32 474 857 950 o renato@ilga.org
Ang ILGA ay isang network ng lampas sa 600 mga grupo mula sa 111 na mga bansa na mula 1978 ay lumalaban para sa pantay na karapatan para sa mga taong tomboy, bakla, bisexual, intersex at transgender.

===

Brussels, 26 September 2009

FOR IMMEDIATE RELEASE

New UN Assembly President Treki’s statements on LGBTI rights
Decriminalisation of Homosexuality is not “some kind of democracy”

ILGA is deeply worried and outraged by UN Assembly new President Ali Abdussalam Treki’s failure to consider the protection of the life and safety of lesbians, gay men, trans, intersex and bisexual people all over the world a matter of human rights.

In an interview prior to his first address to the UN Assembly in his new role, Mr Treki declared himself to be “not in favour at all” with reference to the Statement in favour of the decriminalisation of homosexuality signed by 66 Countries and read by the Argentinian representative last December at
the General Assembly in New York.

Furthermore, Mr Treki said that the matter referred to by the Statement, i.e. decriminalisation, was “not acceptable in the majority of the world” and that “there are some countries that allow that (sic), thinking it is a kind of democracy”.

Considering that the Statement called for the universal decriminalisation of homosexuality, one cannot but conclude that the new President of the UN Assembly is… in favour of criminalising lesbians and gay men, bisexual, trans and intersex people. The worrying and serious implications of this attitude, coming from the new head of an institution which is supposed to regard human rights – all human rights – as the most sacred value, cannot be overstated.

We appeal to the representatives of the States which signed the Statement against criminalisation of homosexuality, but also voted for the election of Mr Treki in his new position, to demand an explanation to the UN Assembly President for his words and react consequently.

Gloria Careaga & Renato Sabbadini
Co-Secretaries General, ILGA

For further information contact: Renato Sabbadini
+32 474 857 950 or renato@ilga.org

ILGA is a network of over 600 groups from 111 countries fighting since 1978 for equal human rights for lesbian, gay, bisexual, intersex and transgender people.

“Pride”: Definition and Redefinition, Usage and Reclamation, from Oppression to Empowerment and Liberation

Saturday, September 12th, 2009
Mabuhay ang lahing kayumanggi! Mabuhay ang dangal, karapatan at kalayaan ng LAHAT ng Pilipino

Mabuhay ang lahing kayumanggi! Mabuhay ang dangal, karapatan at kalayaan ng LAHAT ng Pilipino

“Pride”: Definition and Redefinition, Usage and Reclamation, from Oppression to Empowerment and Liberation

Ang “pride”: Kahulugan at Pagbabagong-kahulugan, Gamit at Pag-aangkin, mula sa Kaapihan patungo sa Kapangyarihan at Kalayaan

by/ni Bruce Portugal Amoroto

The Philippines is a predominantly Catholic-Christian country and religion has strongly influenced not only our daily lives but also public policy, this despite the Constitutional provision on the separation of Church and State. And so “pride”, because of the influence of religion, has often been seen or defined in a negative way both in colloquial as well as in proper application.

80% sa Pilipinas ay Katoliko-Kristiyano at malakas ng impluwensya ng relihiyon, di lang sa ating pang-araw araw na buhay kundi pati na rin sa pampublikong polisiya, ito kahit na meron tayong probisyon sa ating Konstitusyon ukol sa pagkakahiwalay ng Estado at ng Simbahan. At dahil dito, ang salitang “pride”, dahil na rin sa impluwensya ng relihiyon, ay kadalasang nakikita o ginagamit sa isang negatibong paraan sa pangkaraniwan pati na sa pormal na gamit ng salitang ito.

However, it’s interesting to see that in the 2004 edition of ‘Handbook of English-Filipino Filipino-English Dictionary’ (Comprehensive Edition with Sample Sentence) by Zenaida P. Villanueva and published by MW Publishing Inc in Quezon City, Philippines, the entry on pride goes,
pride, (n.) pagpapahalaga sa sariling dangal;
You should learn to have some pride. Dapat matuto kang magkaroon ng pagpapahalaga sa sariling dangal.

Subalit nakawiwiling makita na sa 2004 edisyon ng ‘Handbook of English-Filipino Filipino-English Dictionary’ (Comprehensive Edition with Sample Sentence) ni Zenaida P. Villanueva at nilimbag ng MW Publishing Inc sa Quezon City, Philippines, ang salitang “pride” ay
pride, (n.) pagpapahalaga sa sariling dangal;
You should learn to have some pride. Dapat matuto kang magkaroon ng pagpapahalaga sa sariling dangal.

The entry on “dangal” on the other hand goes:
dangal, (n.) reputation; Ang dangal ko ang aking tanging yaman. My only wealth is my reputation.

Ang salitang “dangal” naman ay:
dangal, (n.) reputation; Ang dangal ko ang aking tanging yaman. My only wealth is my reputation.

A relevant entry, now on dignity, goes:
dignity, (n.) dangal; Where is the dignity in this line of work? Nasaan ang dangal sa ganitong uri ng trabaho?

Ang kaugnay na salitang “dignity” ay:
dignity, (n.) dangal; Where is the dignity in this line of work? Nasaan ang dangal sa ganitong uri ng trabaho?

http://www.thepetitionsite.com/1/affirm-the-universality-of-human-rights-protect-the-equal-human-rights-of-filipinos-regardless-of

http://www.thepetitionsite.com/1/affirm-the-universality-of-human-rights-protect-the-equal-human-rights-of-filipinos-regardless-of

With all these in mind (and much more), a redefinition, reclamation and queering, if you may, of the word “pride” in the Philippines is important and necessary. Since the 16th century, since colonial times, we Filipinos were taught by the Spaniards, the Americans, the Japanese and even by modern-day Filipino institutions, to not be proud of who we are as a people, to not value our self worth and dignity.

Kung isasaalang-alang natin ang lahat ng mga ito (at higit pa), ang pabibigay ng bagong kahulugan, ang (muling) pag-angkin, ang kakaiba/pangingibang gamit sa salitang “pride” sa Pilipinas ay mahalaga at kailangan. Mula pa ika-16 na siglo, mula sa panahon ng mga mananakop, tayong mga Pilipino ay tinuruan ng mga Kastila, ng mga Amerikano, ng mga Hapones, pati na rin ng ating mga makabagong institusyon at istruktura sa lipunang Pilipino na huwag pahalagahan ang sarili bilang tao, na huwag pahalagahan ang sarili at ang sariling dangal.

However now more than ever it is important and necessary that Filipinos reclaim and redefine “pride” from its negative and oppressive usage and connotation to one that is empowering and liberatory. We Filipinos need to break free from the “colonial” and even our own self-oppression. We Filipinos need to celebrate and be proud of who we are as a people, to be celebrate and be proud to be sexual and gendered beings.

Subalit ngayon, higit kailanman, mahalaga at kailangan nating mga Pilipino na bigyang bagong kahulugan ang salitang “pride” at angkinin ito mula sa negatibo at mapang-aping paggamit at pagpapakahulugan patungo sa isang makapangyayari at mapagpalayang paggamit. Kailangan nating mga Pilipino na kumalas sa kolonyal at maging sa ating sariling kaapihan. Kailangan nating mga Pilipino na ipagbunyi at ipagmalaki kung sino tayo bilang mga tao, bilang isang bayan, ipagbunyi at ipagmalaki na tayo ay mga nilalang na may angking sekswalidad at kasarian.

We now (should) say,

I am proud to be a Filipino!
I am proud to be lesbian / gay / bakla / bayot / bantut / bisexual / tomboy / transgender / transsexual / intersex / silahis etc!
I value my humanity!
I value my self worth!
I value my dignity!
I value my rights!
I value my freedom!
I value my fellow Filipino!

Dapat sabihin natin ngayon na:

Proud ako bilang isang Pinoy!
Proud ako bilang isang lesbian / gay / bakla / bayot / bantut / bisexual / tomboy / transgender / transsexual / intersex / silahis etc!
Pinahahalagahan ko ang ang pagkatao!
Pinahahalagahan ko ang aking sarili!
Pinahahalagahan ko ang aking dangal!
Pinahahalagahan ko ang aking mga karapatan!
Pinahahalagahan ko ang aking kalayaan!
Pinahahalagahan ko ang aking kapwa, ang aking kapwa-Pilipino!

Philippine Forum on Sports, Culture, Sexuality and Human Rights (TEAM PILIPINAS) currently has a campaign to “Affirm the universality of Human Rights; Protect the equal human rights of Filipino lesbians, gays, bakla, bayot, bantut, bisexuals, tomboy, transgenders, transsexuals, intersex and other sexual and gender minorities”.

Facebook link to cause

Petitionsite.com link

The campaign aims to convince the Permanent Mission of the Republic of the Philippines to the United Nations to sign statements that uphold and protect the equal rights of Filipino LGBTIs and other sexual and gender minorities.

Kasalukuyang may kampanya ang Philippine Forum on Sports, Culture, Sexuality and Human Rights (TEAM PILIPINAS) upang itaguyod ang pandaigdigang paglalapat ng Human Rights o Karapatang Pantao at upang ipagtanggol ang pantay ng karapatang pantao ng mga Pilipinong lesbians, gays, bakla, bayot, bantut, bisexuals, tomboy, transgenders, transsexuals, intersex (LGBTI) at iba pang ‘sexual and gender minorities’.

Facebook link to cause

Petition.com link

Ang kampanya ay naglalayong kumbinsihin ang Permanent Mission ng Republika ng Pilipinas sa United Nations na pumirma sa mga pahayag na nagtataguyod at nagtatanggol sa pantay na karapatang pantao ng mga Pilipinong LGBTI  at iba pang ‘sexual and gender minorities’.

Ayoko sa TRAPO! Ayoko sa Elitistang Pulitika! Gusto ko ng Pagbabago! Yes to PRIDE in 2010!

Ayoko sa TRAPO! Ayoko sa Elitistang Pulitika! Gusto ko ng Pagbabago! Yes to PRIDE in 2010!



Bruce Portugal Amoroto
President-Coordinator, Philippine Forum on Sports, Culture, Sexuality and Human Rights (TEAM PILIPINAS)
Vice President, Gay and Lesbian Asia Pacific Sport Association (GLISA Asia Pacific)
Member, Gay and Lesbian International Sport Association (GLISA) International Board of Directors
team-pilipinas@yahoogroups.com

http://diversityandequality.ph

http://teampilipinasorg.multiply.com

+63-916-2826781
GMT+8:00 (Manila, Philippines)

TEAM PILIPINAS is a member of GLISA Asia Pacific
http://www.glisaap.org http://www.asiapacificoutgames.org

Online Causes: Protect Equal Human Rights of Filipino Lesbians, Gays, Bakla, Bayot, Bantut, Bisexuals, Tomboy, Transgenders, Transsexuals and Intersex (LGBTIs)! / Ipagtanggol ang Pantay na Karapatan ng mga Pilipinong LGBTI!

Thursday, August 20th, 2009

Philippine Forum on Sports, Culture, Sexuality and Human Rights (TEAM PILIPINAS) is inviting every Filipino and Filipino-loving persons to support the equal human rights of lesbians, gays, bakla, bayot, bantut, bisexuals, tomboy, transgenders, transsexuals and intersex (LGBTI) persons in the Philippines.

Araw-araw nararanasan ng mga Pilipinong lesbian, gay, bakla, bayot, bantut, bayot, bisexual, tomboy, transgender, transsexual at intersex (LGBTI) ang paninino (discrimination), paglalagay-batik sa kanilang karangalan (stigmatization), at pagsasantabi (marginalization). Ang diskriminasyon batay sa kanilang oryentasyong sekswal (sexual orientation) at kasariang pagkakakilanlan (gender identity) ay buhay at ito ay pinatitindi ng kahirapan, ng kawalan ng respeto at pagpaparaya ng relihiyon, ng seksismo-machismo at patriyarkal na kaayusan, ng paninino batay sa lahi, at ng rehiyonalismo. Ang kahirapan ay isang pagyurak sa karapatang pantao. Nararanasan ng maraming LGBTI ang sistemiko at istruktural na pagsira sa kanilang karangalan at sa kanilang karapatang pantao bunga ng di-pagtupad ng Estado at ng gobyerno sa tungkulin nitong itaguyod ang Pandaigdigang Pahayag Ukol sa Karapatang Pantao / Universal Declaration of Human Rights.

Ang  kalayaan ng mga LGBTI ay nakaugnay sa tunay at pangmatagalang kaunlaran, katarungan, at kapayapaan nang pantay-pantay para sa lahat.

Below are online causes that help promote the universality of  Human Rights and claim the respect and protection of the freedom, rights and dignity of Filipino LGBTIs. We invite you to support the causes below.

Inaanyayahan ang lahat na suportahan ang mga kampanyang nababanggit sa ibaba–mga kampanyang nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng lahat sa ilalim ng Karapatang Pantao at nagtatanggol sa pantay na karapatang pantao ng mga LGBTI sa Pilipinas.

Affirm Universality of Human Rights; Protect Filipino LGBTI Rights

http://apps.facebook.com/causes/335717/23455595?m=16beead8

http://apps.facebook.com/causes/335717/23455595?m=16beead8

Bring Back Mojo Jojo Billboard; No to Discrimination, Stigma and Homophobia!

http://www.petitiononline.com/mojojojo/petition.html

http://www.petitiononline.com/mojojojo/petition.html