Posts Tagged ‘bakla’

Online Causes: Protect Equal Human Rights of Filipino Lesbians, Gays, Bakla, Bayot, Bantut, Bisexuals, Tomboy, Transgenders, Transsexuals and Intersex (LGBTIs)! / Ipagtanggol ang Pantay na Karapatan ng mga Pilipinong LGBTI!

Thursday, August 20th, 2009

Philippine Forum on Sports, Culture, Sexuality and Human Rights (TEAM PILIPINAS) is inviting every Filipino and Filipino-loving persons to support the equal human rights of lesbians, gays, bakla, bayot, bantut, bisexuals, tomboy, transgenders, transsexuals and intersex (LGBTI) persons in the Philippines.

Araw-araw nararanasan ng mga Pilipinong lesbian, gay, bakla, bayot, bantut, bayot, bisexual, tomboy, transgender, transsexual at intersex (LGBTI) ang paninino (discrimination), paglalagay-batik sa kanilang karangalan (stigmatization), at pagsasantabi (marginalization). Ang diskriminasyon batay sa kanilang oryentasyong sekswal (sexual orientation) at kasariang pagkakakilanlan (gender identity) ay buhay at ito ay pinatitindi ng kahirapan, ng kawalan ng respeto at pagpaparaya ng relihiyon, ng seksismo-machismo at patriyarkal na kaayusan, ng paninino batay sa lahi, at ng rehiyonalismo. Ang kahirapan ay isang pagyurak sa karapatang pantao. Nararanasan ng maraming LGBTI ang sistemiko at istruktural na pagsira sa kanilang karangalan at sa kanilang karapatang pantao bunga ng di-pagtupad ng Estado at ng gobyerno sa tungkulin nitong itaguyod ang Pandaigdigang Pahayag Ukol sa Karapatang Pantao / Universal Declaration of Human Rights.

Ang  kalayaan ng mga LGBTI ay nakaugnay sa tunay at pangmatagalang kaunlaran, katarungan, at kapayapaan nang pantay-pantay para sa lahat.

Below are online causes that help promote the universality of  Human Rights and claim the respect and protection of the freedom, rights and dignity of Filipino LGBTIs. We invite you to support the causes below.

Inaanyayahan ang lahat na suportahan ang mga kampanyang nababanggit sa ibaba–mga kampanyang nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng lahat sa ilalim ng Karapatang Pantao at nagtatanggol sa pantay na karapatang pantao ng mga LGBTI sa Pilipinas.

Affirm Universality of Human Rights; Protect Filipino LGBTI Rights

http://apps.facebook.com/causes/335717/23455595?m=16beead8

http://apps.facebook.com/causes/335717/23455595?m=16beead8

Bring Back Mojo Jojo Billboard; No to Discrimination, Stigma and Homophobia!

http://www.petitiononline.com/mojojojo/petition.html

http://www.petitiononline.com/mojojojo/petition.html

International Appeal Against Transphobia / Pandaigdigang Panawagan Laban sa Transphobia

Thursday, May 7th, 2009

transphobia-appeal1

Reject Transphobia, Respect Gender Identity:

An Appeal to the United Nations,

the World Health Organisation and the States of the World

Every day, people who live at variance to expected gender[1] norms face violence, abuse, rape, torture and hate crime all over the world, in their home as well as in the public arena. Though most cases of violence never get documented, we know that in the first weeks of 2009 alone, Trans women have been murdered in Honduras, Serbia and in the USA. Trans men are equally victims of hate crimes, prejudice and discrimination despite their frequent social and cultural invisibility.

The basic human rights of Trans people are being ignored or denied in all nations – be it out of ignorance, prejudice, fear or hate and Trans people overwhelmingly face daily discrimination, which results in social exclusion, poverty, poor health care and little prospects of appropriate employment.

Far from protecting Trans citizens, States and International bodies reinforce social transphobia through short sighted negligence or reactionary politics:

Because of the failure of national law and social justice, in far too many States Trans people are being forced to live a gender which they experience as fundamentally wrong for them. In most countries, any attempt to change one’s gender can lead to legal sanctions, brutal mistreatment and social stigma. In other countries, legal recognition of gender change is subject to sterilization or other major surgical intervention. Trans people who cannot or do not wish to submit to this, cannot obtain legal recognition of their preferred gender, and are forced to ‘come out’ whenever they cross a border, run into a police patrol, apply for a new job, move into a new home or simply want to buy a mobile phone.

Contributing factors include that current International health classifications still consider all Trans people as mentally “disordered”. This outdated vision is insulting and incorrect and is used to justify daily discrimination and stigmatization in all aspects of Trans people’s lives.

Recently though in some countries with very different social and cultural contexts significant legal advances have been made. Following in the wake of bold judicial decisions, State action has led to increased acceptance of Trans people within their society. This demonstrates that understanding and progress is possible.

Currently Trans people everywhere in the world rise up to reclaim their human rights and freedom. They carry an unanimous message that they will no longer accept to be labelled sick or treated as non human beings on the basis of their gender identity and gender expression.

This is why we ask:

- The W.H.O. to stop considering Trans people as mentally disordered and to promote access to adequate health care and psychological support, as desired by Trans people.

- The United Nations Human Rights bodies to examine the human rights abuses that Trans people face around the world and to take action to combat these abuses.

- The States of the World to adopt the international Yogyakarta Principles and ensure that all Trans people benefit from appropriate health care, including gender reassignment if they so wish; be allowed to adapt their civil status to their preferred gender; live their social, family or professional lives without being exposed to transphobic discrimination, prejudice or hate crime and that they are protected by the police and justice systems from physical and non-physical violence.

We call on the UN, the W.H.O. and the nations of the world, in adopting these measures, to refuse transphobia and welcome the right of their citizens to live fully and freely in their preferred gender, assumed as an expression of cultural freedom.


[1] (such as transvestite, transsexual, transgender and other cultural identities related to cross-gender dressing and living)


Tanggihan ang Transphobia, Igalang ang Pagkakakilanlang Pangkasarian:

Isang Panawagan sa United Nations,

sa World Health Organisation at sa mga Estado ng Mundo

Araw-araw, ang mga taong namumuhay na iba sa mga inaasahang pangkasariang[1] pamantayan ay nahaharap sa karahasan, pangaaabuso, pagkakagahasa, torture at mga krimen ng pagkamuhi saan man sa mundo, sa kanilang mga tahanan maging sa mga pambulikong lugar. Kahit na karamihan sa mga kaso ng karahasan ay hindi nasusulat, alam natin na noong mga unang linggo ng taong 2009 maraming kababaihang trans ang napatay sa Honduras, Serbia at Estados Unidos. Ang mga lalakeng trans naman ay kapwa biktima rin ng mga krimen ng pagkamuhi, paninino, at diskriminasyon kahit pa hindi sila madalas makita sa lipunan at sa kultura.

Ang mga pangunahing karapatang pantao ng mga Trans ay kasalukuyang hindi pinagtutuunang-pansin o kaya’y sadyang ipinagkakait sa lahat ng mga bansa sa mundo – bunga ito ng kamangmangan, paninino, takot o pagkamuhi na nagreresulta sa panlipunang pagsasantabi, kahirapan, mababang serbisyong pangkalusugan at maliit na pagkakataon para sa mga taong Trans na magkaroon ng angkop na trabaho.

Malayo sa pagkalinga sa mga mamamayang Trans, pinagtitibay pa ng mga Estado at mga pandaigigang katawan ang panlipunang transphobia o ang di-maipaliwanag na takot at pagkamuhi sa mga taong transgender sa pamamagitan ng mga pagpapabaya at mga makikitid o reaksyonaryong pulitika:

Dahil sa kakulangan ng batas at ng panlipunan hustisya, ang mga trans sa maraming Estado sa mundo ang napipilitang mamuhay sa isang kasariang sadyang mali para sa kanila. Sa maraming bansa ang mga tangka upang baguhin ang sariling kasarian ay napupunta sa paghingi ng legal na pahintulot, malupit na pagtrato at panlipunang stigma o batik sa karangalan. Sa ibang bansa, ang anumang legal na pagkilala sa pagbabago ng kasarian ay mangangahulugan ng sterilization (pagkabaog) o kaya’y ibang klase ng operasyon sa katawan. Ang mga taong trans na hindi o ayaw pumayag na sumailalim rito ay hindi makakakuha ng legal na pagkilala sa kanilang napiling kasarian at mapipilitang magladlad sa tuwing sila ay tatawid ng isang border, sa tuwing mapapalapit sila sa isang patrol ng pulis, sa tuwing maghahanap ng panibagong trabaho, sa tuwing lilipat sa panibagong bahay o sa simpleng pagbili ng cellphone.

Ang mga salik na nakadaragdag sa ganitong sitwasyon ng mga Trans ay ang patuloy na pagtukoy ng mga pandaigdigang klasipikasyon sa kalusugan na ang mga taong Trans ay may “sakit” sa pag-iisip. Mapanglait at mali ang makalumang pagtinging ito na kadalasang ginagamit na basehan para sa pang-araw-araw na paninino at paglalagay-batik-karangalan sa lahat ng aspeto ng buhay ng mga taong Trans.

Ngunit sa ngayon sa may ilang mga bansang may kakaibang pangkultural at panlipunang konteksto, mayroon na ring nagawang mahahalagang legal na mga pag-abanse. Kasunod ng mga mapangahas na mga hatol sa hukuman, ang pagkilos ng Estado ay nagbunga ng patuloy na pagtanggap sa lipunan para sa mga taong Trans. Ipinapakita rito na ang pag-unawa sa at pag-unlad ng isyu ukol sa mga Trans ay posible.

Sa kasalukuyan maraming Trans sa buong mundo ang tumitindig upang muling angkinin ang kanilang mga kalayaan at mga karapatang pantao. Dala nila ang nagkakaisang mensahe na hindi na nila muling tatanggapin ang pagtawag sa kanila bilang mga may sakit (sa pag-iisip) o ang di-makataong pagtrato dahil sa kanilang pagkakakilanlang pangkasarian (gender identity) at sa kanilang pagpapahayag na pangkasarian (gender expression).

At kung kaya’t hinihiling namin na:

- Tigilan ng W.H.O. ang pagtukoy sa mga taong Trans bilang may mga sakit sa pag-iisip at itaguyod ang sapat na pangagalagang pangkalusugan at suportang sikolohikal na nais ng mga taong Trans.

- Siyasatin ng mga sangay pangkarapatang pantao ng United Nations ang mga pang-aabusong kinakaharap ng mga taong Trans sa buong mundo at kumilos para sugpuin ang mga pangaabusong ito.

- Gamitin ng mga Estado at mga Bansa sa Mundo ang pang-internasyunal na mga Prinsipyo ng Yogyakarta (Yogyakarta Principles) at tiyakin na lahat ng taong Trans ay magkamit ng kaukulang pangangalagang pangkalusugan, pati na ang gender reassignment o operasyon para sa pagpapalit-kasarian, kung kanilang nais; pahintulutang iayon ang estadong sibil / civil status sa napiling kasarian ng mga taong Trans; magkaroon ng panlipunan, pampamilya at propesyonal na mga buhay na hindi nahaharap sa paninino, diskriminasyon at krimeng kaugnay ng transphobia, at mabigyang proteksyon ng kapulisan at ng hustisya laban sa pisikal at di-pisikal na karahasan.

Nananawagan kami sa UN, sa W.H.O. at sa mga bansa sa mundo na gawin ang mga hakbang na nabanggit dito, na tanggihan ang transphobia, at tanggapin ang isang aspeto ng kalayaang pangkultural, ang karapatang mabuhay ng buo at malaya sa napiling kasarian.


[1] Tulad ng mga transpinay, bayot, bantut, at ilang bakla at tomboy sa Pilipinas, transvestite, transsexual, transgender at iba pang kultural na pagkakakilanlan (cultural identity) kaugnay ng pagdadamit at pamumuhay na may kinalaman sa pagbabago/pagpapalit ng kasarian (cross-gender dressing and living). Trans o transgender ang pandaidigan at pangkalahatang pantukoy sa mga taong namumuhay na iba ang pagkakakilanlang pangkasarian (gender identity). Mula sa Society of Transsexual Women of the Philippines (STRAP), transpinay ang tawag sa mga babaeng galing sa Pilipinas at ipinanganak na mayroong aring panglalake.